Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Katutubo sugatan matapos saksakin sa Magpet; pero mga suspect pinalaya matapos makialam ang tribal court

(Magpet, North cotabato/May 10, 2012) ---Pinalaya ng Magpet PNP ang apat na mga lalaki na itinuturong suspect sa pananaksak sa isang katutubo sa may Barangay Tagbak, Magpet.

         
Ayon sa Magpet PNP, tumanggi ang biktimang si Edward Luhong na isampa ang kaso kontra sa mga ito.
         
Ito ay matapos raw isailalim sa pagdinig ng kanilang tribal court ang kaso ni Luhong.


Naganap ang insidente, dakong alas-8 ng gabi, noong Linggo, habang naglalakad pauwi sa kanyang bahay ang biktima sa may Sitio Tawan, Barangay Tagbak.
         
Inabangan raw siya ng mga suspect at nang mapadako sa madilim na bahagi ng kalsada ay saka nila inundayan ng saksak.
         
Nang malugmok ang biktima, agad tumakas ang mga suspect.  

Nakahingi si Luhong ng tulong sa mga kapitbahay na siya’ng naghatid sa kanya sa pinakamalapit na ospital. 



0 comments:

Mag-post ng isang Komento