(Kabacan,
North Cotabato/May 9, 2012) ---Abot sa P5,000.00 ang nilimas sa isang Sari-sari
Store sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa.
Batay
sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ng nasabing tindahan na si
Hipolito Reyes, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.
Kasama
ng biktima si brgy. Poblacion kgd. Ruperto Hinguillio na nagreport ng nasabing
pangyayari kahapon.
Nabatid
na nilooban ang tindahan ni Reyes ng mga di pa nakilalang mga suspetsado at
natangay ang 2 sako ng bigas, iba’t-ibang mga dry goods na nag-kakahalaga ng
P5,000.00.
Sa
ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing
pangyayari. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento