Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Putol na linya ng kuryente dahilan ng pagkamatay ng binatilyo sa Kidapawan City

(Kidapawan City/May 7, 2012) ---Patay na ng matagpuan ang isang binatilyo makaraang makuryente sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City alas 10:00 ng umaga nitong linggo.


Kinilala ng kanyang mga kamag-anak angbiktima na si Richard Mahinay Ingkal, 22 taong gulang at residente rin ng nabanggit na lugar.
Malaki ang paniniwala ng mga nakakita kay Ingkal na nakuryente ito kaya nangisay at pagkatapos ay mamatay.

Ito ay dahil sa nakitang live wire, malapit sa kanyang kinalalagyan.      
         
Posible, ayon sa kanila, ay nahawakan ng biktima ang naturang live wire.
         
Ayon pa sa report, ang kuryente ay mula sa isang pamamahay na nasunog noong March 1.
         
Bibisita lamang daw sa kanyang kapatid sa may Sitio Tinago, Barangay Ilomavis ang biktima nang mahawakan ang live wire.
         
Nang makita ang bangkay ni Ingkal, nilalanggam na raw ito, patunay na may ilang oras na rin siya’ng nakahandusay sa naturang lugar.  



0 comments:

Mag-post ng isang Komento