(Kidapawan city/May
10, 2012) ---Itatampok sa tatlong araw na ‘Summer Peace Kids Camp’ na
magsisimula ngayong Mayo 21 ang leadership skills training sa hanay ng kabataan
at pagtuturo sa kanila ng First Aid at Survival Techniques.
Naniniwala ang mga
organizer ng kids camp na ang naturang mga practical skills training ay
magbibigay sila ng dagdag na kaalaman para harapin ang buhay.
Maliban dito,
magpapalalim din sila sa usapin ng peace-building na isang mahalagang aspeto ng
pamumuhay sa isang lugar na madalas may armadong labanan o tunggalian ng lakas
at puwersa.
Gagawin ang Summer
Peace Kids Camp 2012 sa Kidapawan City Pilot Elementary School.
Magiging bisita sa
opening ng peace camp sina Cotabato Governor Lala Mendoza at City Mayor Rodolfo
Gantuangco.
Si Mendoza ang siya’ng
nagpasimula – noon pang 2010, ng youth peace camp sa North Cotabato.
Katuwang niya sa
proyektong ito ang Department of Education at mga LGU
0 comments:
Mag-post ng isang Komento