(Midsayap,
North Cotabato/May 9, 2012) ---Abot sa humigit kumulang sampung kilometrong
sementadong daan ang ininspeksyon ngayong araw ng mga opisyal ng DPWH Cotabato
Second District Engineering Office kasama ang mga kinatawan mula sa tanggapan
ni Cong. Sacdalan, provincial government, contractors at Growth Equity for
Mindanao o GEM.
Kaugnay
nito, pinuri ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang nasabing
road concreting project ng GEM sa lugar, batay sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.
Ito
ay dahil umano sa magandang performance hindi lamang ng GEM ngunit maging ng
contractor na kinomisyon upang isakatuparan ang nasabing proyekto.
Ayon
kay District Engineer Leonardo Martinez Jr., may mga nakita silang dapat pang
ayusin kaugnay sa proyekto ngunit “minimal” lamang umano ang mga ito.
Inihayag
ng opisyal na sa kabuuan ay maganda ang performance ng GEM at ng contractor.
Binigyang-
diin din ni Engr. Martinez na malaking kontribusyon sa tagumpay ng proyekto ang
tuloy- tuloy na koordinasyon ng lokal na pamahalaan at iba pang concerned
government agencies upang masolusyunan ang maliliit na isyu sa project area.
Nagbigay
naman ng suhestiyon ang tanggapan ni North Cotabato First District Jesus
Sacdalan na resolbahen sa pinaka-diplomatikong paraan ang anumang isyu, maliit
man o malaki, sa pagpapatupad ng poyekto.
Magkakaroon
naman umano ng diyalogo sa pagitan ng GEM, LGU, DPWH at mga recipient
communities bago pormal na i-turn over ang proyekto.
Ang
tinatayang 10-kilometer road project ng GEM sa Midsayap, North Cotabato ay
nagsisimula sa Barangay Tumbras hanggang sa Barangay Olandang.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento