(Kidapawan City/May 7, 2012) ---Dakong alas-dose ng
hatinggabi noong Linggo, nakita ng mga trabahante sa farm lot ni dating
Cotabato 2nd district Representative Bernardo Pinol, Jr., sa
Kidapawan City na bumagsak ang isang umano ‘suspicious-looking object’.
Para
makasiguro, humingi ng tulong sa mga pulis si Pinol.
Dumating
ang mga pulis, bandang alas-1230 ng umaga, kahapon, sa farm lot nito sa may
Barangay Meohaw.
Ang
naturang bagay ay may nakasulat na, “Lockheed” na tila brand name raw
nito.
Gawa
raw ito Mexico at may address na Marion, MA 02738 USA. Hindi ito kabigatan,
ayon sa mga pulis.
Nakakabit
rito ang isang pumutok na lobo na, ayon sa mga pulis, ay siya’ng nagdala sa
naturang bagay sa nabanggit na lugar.
Duda
ang mga pulis na isang weather data gathering instrument pala ang bumagsak sa
bukirin ni Pinol.
Pero
posible rin naman daw na ‘spy plane’ ang naturang bagay dahil may device o
transmitter na nakuha sa loob nito.
Kaya’t
patuloy ang kanilang imbestigasyon at pag-alam kung ang bagay na nakitang
bumagsak sa lote ni Pinol ay isa nga ba’ng weather data gathering instrument o
isang spy plane.
Nananatiling nasa kustodiya ng Kidapawan City
PNP ang naturang instrumento.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento