Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tree planting bilang income-generating project ng mahihirap na paaralan sa Kidapawan City pinagtutuunan ng pansin ng mga kabataan ngayong Summer

(Kidapawan City/May 9, 2012) ---Sa halip maglagalag ngayong summer, mas pinagtuunan ng pansin ng higit sa 200 mga kabataan, ilan sa kanila out-of-school youth, ang pagtatanim ng seedling ng goma sa mga bakanteng lote ng mahihirap na eskwelahan sa Kidapawan City.


Tinawag nila ang kanilang grupo na, “Mindanao Youth Peace Builder.”
         
Noong Sabado, abot sa 200 seedling ng goma ang kanilang itinanim sa bakanteng lote ng Ginatilan Elementary School, isang malayong eskwelahan sa Kidapawan City na nasa paanan ng Mount Apo.
Ito na ang pang-sampung eskwelahan sa lungsod na nataniman nila ng mga seedling ng goma, simula pa taong 2011, na ang bilang ay abot na sa 1,500.
         
Ayon kay Ana Fe Villarosa, presidente ng grupo, magsisilbing income-generating project ng mga eskwelahan ang naturang puno ng goma.
         
Sa loob lamang ng limang taon, puwede nang makakuha ng dagta mula sa naturang mga puno at ibenta sa mga planta ng rubber.
         
Ang anumang kikitain raw sa puno ay gagamitin para pambayad sa tuition at miscellaneous fees ng naturang mga eskwelahan.

Sa ganito’ng paraan, malilibre ang ilan sa mga mag-aaral ng mga gastusin nila sa eskwelahan.

Suportado ni Kidapawan City councilor Lauro Taynan at mga opisyal ng barangay ang hakbang ng youth peace builders.
Katunayan, ang seedling at ang transportation cost sa pagdadala ng naturang mga tanim ay inako ni Taynan, ayon kay Villarosa.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento