Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lakas at Kagalakan na galing sa Panginoon kailangan ng mga Nanay –ayon sa isang mataas na opisyal ng Simbahan; 60 mga Nanay bibigyan ng Parangal ngayong Mother’s Day sa isang simbahan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 11, 2012) ---Abot sa anim na pung mga Nanay ang bibigyan ng pagkilala at parangal sa Linggo bilang selebrasyon sa Mother’s Day ng kanilang mga anak na gagawin sa Kabacan Assembly of God.


Ito ang napag-alaman mula kay Pastor Josue Solomon, Senior Pastor ng King’s Highway Assembly of God sa Kabacan.

Aniya, mahirap umano ang gawain at tungkulin ng mga Nanay sa loob ng tahanan lalo na sa pag-aruga ng mga bata, kaya naman ayon kay Pastor ang kailangan ng mga Nanay ay ang lakas at kagalakan na buhat sa Panginoon.

Dagdag pa nito na kailangan din nila ang impormasyon na nauukol kung papaanu mapagaan ang trabaho sa tahanan at mapagserbihan ang kanilang mga asawa at mga anak.

Ngayong ikalawang linggo ng Mayo ay ginugunita ng buong Mundo ang Mother’s Day bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga Ilaw ng tanahan.

Mula sa DXVL Radyo ng Bayan at sa lahat ng mga Nanay sa buong Mundo, HAPPY Mother’s Day! (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento