Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP Traffic Division: Motorista, maghinay-hinay sa pagmamaneho

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2015) ---Nagbigay ngayon ng paalala ang Kabacan PNP Traffic Divission sa mga motorista sa bayan lalong lalo na ang mga motorista sa loob ng USM Compound matapos na maitala ang vehicular accident sa loob ng pamantasan alas 5:00 ng hapon kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, nangyari ang insidente sa harap ng USMECCO Building, USM Compound, Kabacan.

Utak ng Maguindanao Massacre, comatose

(North Cotabato/July 16, 2015) ---Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., 70, sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue, QC makaraang ma-Comatose at nagkaroon ng massive heart attack noong Lunes.

Si Ampatuan Sr. ang itinuturong utak ng “Maguindanao Massacre” na ikinasawi ng 58 katao, 32 dito ay mediamen.

Napag-alamanna si Ampatuan Sr. ay may liver cancer.

“Dugo Ko, Alay sa KaKOOlitan Ko” Year 2, a mass blood donation ng DXVL Radyo ng Bayan, isasagawa na bukas

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2015) ---Patuloy na iniimbetahan ng DXVL KOOL 94.9FM Radyo ng Bayan ang publiko na makiisa sa gagawing mass blood donation na pinamagatang “Dugo Ko, Alay sa KaKoolitan Ko” Year 2.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng ika-siyam na taong anibersaryo ng himpilang ito kungsaan kaagapay ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan bilang pakikiisa rin sa ika-68th founding anniversary ng Kabacan.

Maliban dito, ito ay bahagi ng selebrasyon ng Disaster Consciousness Month sa koordinasyon ng emergency Management Program.

Publiko pinag-iingat laban sa expired na pagkain

(Kidapawan City/ July 15, 2015) ---Pinag-iingat ni City Mayor Joseph Evangelista ang publiko laban sa mga expired na pagkain.

Ito ay matapos magkasakit ang may dalawampung Grade 5 pupils ng Kidapawan City Pilot Elementary School  mula sa kanilang nakain na expired durian candy na diumano ay inilako sa loob ng kanilang eskwelahan ng isang hindi nakilalang vendor noong nakalipas na Huwebes.

Magpapalabas na ng anusyo sa ilang himpilan ng radyo si Mayor Evangelista na nananawagan sa publiko ng ibayong pag-iingat.

35-anyos panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa Kidapawan city

(Kidapawan City/ July 15, 2015) ---Tinangay ng di pa nakilalang suspek ang motorsiklo ng 35-anyos na Ginuo matapos na kanyang iparada ito sa Dayao Street, Kidapawan City kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP Traffic Division ang biktima na si Edgar Paran, 35- anyos na taga brgy. Ilomavis, Kidapawan city.

Ayon kay Paran, pinarada lamang niya ang kaniyang Honda TMX 155 na may license plate na MH 1676 sa gilid ng isang establisyemento ng bigla na lamang ito mawala.

Tree Growing Activity ng DXVL Radyo ng Bayan, matagumpay na naisagawa!

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2015) ---Sa layuning mapangalagaan ang kapaligiran, matagumpay na naisagawa ang isang Tree Growing Activity na pinangunahan ng DXVL KOOL FM -Radyo ng Bayan ngayong umaga.

Katuwang ng himpilan ang University Student Government ng University of Southern Mindanao, Municipal Environment and Natural Resources o MENRO, National Service Training Program o NSTP, Local Government Unit of Kabacan, College of Arts and Sciences, Department of Development Communication, InterVarsity Christian Fellowship o IVCF Kabacan, TRIMMOC, Earth Savers Club, mga fraternities and Sororities at iba pa.

Isa sa mga suspek sa Aringay slay, hawak na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2015) ---Hawak na ngayon ng Kabacan PNP ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa mag-asawang Gracia at sa 14-anyos na dalagita sa Purok Pag-asa, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato nitong weekend.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL News na nasa kanilang kustodiya ngayon ang suspek na si Roberto Gracia Cabrera 52 anyos, may asawa at kamag-anak ng biktima, residente ng Purok Namnama, Dagupan, Kabacan, Cotabato.

51 mga District Supervisor sa North Cotabato, may mandatong suriin ang mga paninda sa School Canteen

(North Cotabato/ July 14, 2015) ---Nagpalabas na ng deriktiba ang Cotabato Schools Division head sa mga district supervisor na suriing mabuti ang mga pagkaing na ibinebenta sa mga school canteen sa kanilang nasasakupan.

Ginawa ng pamunuan ng Cotabato Division Head ang pahayag matapos ang magkahiwalay na insidente ng pagkaka-ospital ng mga bata matapos na makakain ng siopao at durian candy.

Timpupo Festival 2015 ng Kidapawan city, pinaghahandaan na!

(Kidapawan City/ July 14, 2015) ---Ngayon pa lamang aypinaghahandaan na ng Kidapawan City LGU ang pagdiriwang ng Timpupo Festival 2015 sa darating na Agosto a-18-22.

Ito ayon kay City Mayor Joseph Evangelista sa isinagawang Convocation Program ng City LGU.

Ang pagdiriwang ay hango sa salitang Manobo na ang ibig sabihin ay 'anihan ng mga prutas'.

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ July 14, 2015) --- Kamatayan ang sumalubong sa isang magsasaka matapos na mapaslang ng di pa nakilalang suspek sa panibagong krimen na naganap sa Purok Rang-ayan, Baranagay Villamor sa bayan ng Esperanza sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 12:45 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PInsp. Tirso Pascual ng Esperanza PNP ang biktima na si Harris Tambak Midzuyaw, 26-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Ilian sa nasabing bayan.

Magsasaka, arestado sa pagdadala ng di lisensiyadong baril

(Esperanza, Sultan Kudarat/ July 14, 2015) ---Huli ang isang lasing na magsasaka makaraang makuhanan ng di lisensiyadong baril sa Bagong Lipunan, Brgy. Saliao, Esperanza, Sultan Kudarat alas 7:45 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Roberto Lorenzo Galapate, 50 anyos, may asawa at residente ng naturang barangay.

Municipal Agriculturist Office, nanawagan sa mga magsasaka sa bayan na mag-avail ng magandang programa ng PGNCot

(Kabacan, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Nananawagan ngayon ang Municipal Agriculturist Office ng Kabacan sa mga magsasaka sa bayan na gustong gustong magtanim ng Cacao, Rubber, Palm Oil, Kape, at iba pang fruit trees na mag-avail sa programa na ipinapatutupad ng Provincial Government of North Cotabato.

Ayon kay Kabacan Municipal Agriculturist Office Report Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News team, isinaad nito na kung sino man ang mga magsasaka sa bayan ang meroong pagmamay-ari na lupain dito sa bayan mula kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya ay ito na ang kanilang tsansa na maka-avail sa nasabing programa.

Personal grudge at Robbery, tinitingnang anggulo sa pagbaril-patay sa mag-asawa at isang dalagita sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Personal grudge at pagnanakaw ang tinitingnang anggulo sa pagbaril –patay sa mag-asawa at isang dalagita sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato noong Sabado alas 8 ng gabi.

Ito ang inihayag ni PSI Ronnie Cordero OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news.

 Ipinaliwanag din ng opisyal na nawawala ang Kia Avila, kulay itim na may plaka numero MCY 220 na sasakyan ng biktima na posibleng ginawang get-away vehicle ng mga suspek.

P1.5M na halaga ng Covered Court sa Kidapawan City, na-i-turn over na

(Amas, Kidapawan City/ July 13, 2015) - Isang matagumpay na pagtupad na naman sa pangakong “SERBISYONG TOTOO” ang nasaksihan ng mga residente ng Barangay Mateo, Lungsod ng Kidapawan kahapon ng hapon.

Kahapon isang covered court ang pinasinayaan ng ina ng Probinsya ng Cotabato na nagkakahalaga ng isang Milyon at Kalahati (1.5M).

Tree Growing Activity ng DXVL, kasado na para bukas!

(Kabacan, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Kasado na ang gagawing Tree Growing Activity ng DXVL Radyo ng Bayan bilang bahagi ng aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng istasyon.

Gagawin ang nasabing aktibidad alas 5:30 hanggang alas 7:00 ng umaga bukas na isasagawa sa loob ng USM compound.

Iba’t-ibang mga organisasyon ang sasali sa nasabing tree growing.

Katuwang ng DXVL ang Menro Kabacan sa pamumuno ni Menro Officer Gerry Loaogan, kasama ang College of Arts and Sciences sa pangunguna ni CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan at ni NSTP Director Dr. May Eva Garcia at ang University Student Government o USG.

Suspek na responsable sa pagpatay sa isang pulis sa Pikit, Cotabato; pormal ng kinasuhan

(Pikit, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Pormal ng kinasuhan ang suspek na responsable sa pagpatay sa isang pulis sa Pikit, Cotabato.

Ito ayon kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP.

Kinasuhan nila ng murder si Misuari Mangansakan na sinasabing suspek sa pagpaslang kay PO2 Anwar Batingkay kasapi ng Pikit PNP at residente ng Kidapawan City sa lalawigan.

11 mga Outstanding BAPAs sa Service area ng Cotelco, kinilala sa isinagawang 33rd Annual General Membership Assembly meeting sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 13, 2015) ---Isinagawa kahapon ang 33rd Annual General Membership Assembly Meeting ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa Kidapawan Gym, Kidapawan City.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing aktibidad si Hon. Wendell Ballesteros, ang General Manager ng Philippine Rural Electrification Association o PHILRECA.

EXCLUSIVE: Suspek sa sex slave, arestado

(Esperanza, Sultan Kudarat/ July 13, 2015) ---Kalaboso ang 39-anyos na adik na sinasabing gumahasa sa babaeng vendor at isa pang menor-de-edad matapos itong masakote sa isinagawang hot pursuit operation sa Purok Liwayway, Brgy. Poblacion sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat noong Biyernes ng hapon. 

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Eisbon Llamasares, OIC ng Esperanza PNP ang suspek na si Bong Mejia. Sa police report na isinumite ni P/Insp. Tirso Pascual, lumilitaw na ikinulong ng suspek sa kanyang bahay ang mga biktima noong Martes ng Hunyo 7.

Isang bangkay ng lalaki natagpuan sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 13, 2015) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa National Highway sa Brgy. La Esperanza, Tulunan, North Cotabato alas 5:30 ng umaga nitong linggo.

Ito ayon kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP sa panayam ng DXVL News.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtamo ng sugat sa likod na bahagi ng ulo ang biktima at sa kaliwang bahagi ng dibdib nito.

Mag-asawa at isa pang dalagita, minasaker!

(Kabacan, North Cotabato/ July 12, 2015) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa kasama ang 14-anyos na dalagita makaraang pagbabarilin ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan PNP na bandang alas 7:30 kaninang umaga ng maireport sa himpilan ng pulisya ng barangay kapitan na si Arnel Wagia na may kakaibang nangyari sa bahay ni Regor Gracia.

TESDA stude patay sa buy-bust

(North Cotabato/ July 12, 2015) ---Napatay ang 21-anyos na TESDA student habang na­aresto naman ang ka­sab­­wat nito makaraang ma­ki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Marber, bayan ng Bansalan, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang napatay na si Arminel Floreno ng Barangay Malasila sa ba­yan ng Makilala habang nakakulong naman ang kasama nito na si Muktar Owan ng Sitio Flortam sa nabanggit na barangay.