(Kabacan, North Cotabato/ July 14,
2015) ---Nananawagan ngayon ang Municipal Agriculturist Office ng Kabacan sa
mga magsasaka sa bayan na gustong gustong magtanim ng Cacao, Rubber, Palm Oil,
Kape, at iba pang fruit trees na mag-avail sa programa na ipinapatutupad ng
Provincial Government of North Cotabato.
Ayon kay Kabacan Municipal
Agriculturist Office Report Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News team,
isinaad nito na kung sino man ang mga magsasaka sa bayan ang meroong
pagmamay-ari na lupain dito sa bayan mula kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya
ay ito na ang kanilang tsansa na maka-avail sa nasabing programa.
Dagdag pa ng opisyal na ito ay bahagi
ng Serbisyong Totoo Program ni Governor Lala Taliño Mendoza na nakalinya sa “plant now,
pay later”.
Ngunit ang magandang balita umano ay
kung sakaling magiging benepisyaryo ka ng nasabing programa at 75% sa iyong mga
itinanim ang mabubuhay ay magiging libre na lamang ito at wala ka nang babayan
o magiging Dole-out.
Pero kapag hindi naman umabot sa 75%
ang mga mabubuhay sa iyong itinanim ay magiging “plant now, pay later” ito.
Isa umano itong magandang programa ng
PGNCot upang matulungan ang mga magsasakang walang kakayahang makabili ng
nasabing mga seedlings ngunit meroon namang mapagtatamnan na lupain.
Sa mga nagnanais maka-avail sa
nasabing programa ay tunguhin lamang ang Municipal Agriculturist Office sa
Municipal Compound, Kabacan Cotabato. Mark
Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento