(Kidapawan City/ July 14, 2015) ---Ngayon pa
lamang aypinaghahandaan na ng Kidapawan City LGU ang pagdiriwang ng Timpupo
Festival 2015 sa darating na Agosto a-18-22.
Ito ayon kay City Mayor Joseph Evangelista
sa isinagawang Convocation Program ng City LGU.
Ang pagdiriwang ay hango sa salitang Manobo
na ang ibig sabihin ay 'anihan ng mga prutas'.
Ang aktibidad ay magsisilbing pasasalamat ng
mamamayan sa biyaya na dala ng mga nabanggit kung saaan ay kilala na isa sa mga
tourism attractions sa Pilpinas.
Kaugnay nito, magiging panauhing pandangal
sa opening ng okasyon sina Cotabato Governor Emmylou Taliño Mendoza at Metro
Manila Development Authority- MMDA Chair
Francis Tolentino.
Sinabi ng Alkalde na magiging tampok ng
halos isang linggong pagdiriwang ang mga prutas ng lungsod gaya ng rambutan,
lanzones, durian, mangosteen at maraming iba pa.
Magkakaroon din ng ilang makukulay na
aktibidad tampok ang mga iba't-ibang tribo sa lungsod.
Posibleng sa susunod na linggo ay ilalabas na
ng Pamahalaang Lokal ang listahan ng mga aktibidad. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento