(Kabacan,
North Cotabato/ July 12, 2015) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa
kasama ang 14-anyos na dalagita makaraang pagbabarilin ang mga ito sa loob ng
kanilang bahay sa Brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay PSI Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan
PNP na bandang alas 7:30 kaninang umaga ng maireport sa himpilan ng pulisya ng
barangay kapitan na si Arnel Wagia na may kakaibang nangyari sa bahay ni Regor
Gracia.
Nang siyasatin ng mga pulisya tumambad sa
kanila ang bulagtang katawan ng mga biktima na kinilalang sina Roger Gracia,
47-anyos, magsasaka at ang asawa nito na si Milcha Ricanor Gracia, 49-anyos at
isang dalagita na si Danny Anne Dapon Gracia, 14-anyos lahat ay residente ng
Purok Pag-asa ng nasabing lugar.
Sa source na nakuha ng DXVL News, posible umanong
malapitan pinagbabaril ang mga biktima.
May narinig dawn a putok ng baril alas 8:00
kagabi ang mga kapaitbahay ng biktima pero binalewala ng mga ito sapagkat,
normal lamang dawn a nagpapaputok ng baril ang biktimang si Roger kung
malasing, ayon sa isa sa mga nakapanayam ng DXVL News.
Nakadapa ang mga biktima ng pagbabarilin ng
suspek.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na
kilala ng mga biktima ang suspek dahilan kung bakit pati ang 14-anyos na
dalagita ay idinamay sa nasabing krimen.
Sa panayam ng DXVL News sa nanay ng dalagita
na ayaw mag-pa-interbyu sa ere na pumunta si Danny Anne noong Biyernes sa
kanyang tita na si Milcha dahil planu nilang isama ang bata sa Davao ngayong
araw.
Hindi na ito natuloy matapos ang malagim na
pangyayari sa kanya.
Ang 14-anyos na si Dapon ay estudyante ng
Kabacan Wesleyan Academy at 4th year High School.
Narekober sa crime scene ang mga bala ng
kalibre .45 na pistola na siyang ginamit ng suspek sa pamamaril.
Inaalam pa ngayon ng pulisya kung anu ang
motibo sa pagbaril patay sa pamilya.
Inatasan na ni Mayor Herlo Guzman Jr. ang
pulisya imbestigahan ang panibagong insidente ng pamamaril sa bayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento