Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP Traffic Division: Motorista, maghinay-hinay sa pagmamaneho

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2015) ---Nagbigay ngayon ng paalala ang Kabacan PNP Traffic Divission sa mga motorista sa bayan lalong lalo na ang mga motorista sa loob ng USM Compound matapos na maitala ang vehicular accident sa loob ng pamantasan alas 5:00 ng hapon kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, nangyari ang insidente sa harap ng USMECCO Building, USM Compound, Kabacan.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na papatawid sa kabilang linya ng highway ang biktimang kinilalang si Rena Alolod Datucan, 28 anyos, dalaga isang 4rth Year AB Pol Scie Student ng pamantasan, residente ng Polomolok, South Cotabato ng mabangga ng humaharurot na isang Rusi na motorsiklo, kulay pula, may plakang 9539 OV, na minamaneho ng isang Jaharie Dayandang, 21 anyos, binata, residente ng Sunrise Street, Pob. Kabacan.

Dahil sa lakas ng impact ay nagkaroon ng sugat ang biktima sa kanyang mukha at galos sa ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang isinugod ang biktima sa USM Hospital ng mga sibilyang nakakita at naroon sa lugar.

Nabatid na rumisponde rin sa nasabing insedente ang USM Security Force.

Sa ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa natamo nitong sugat ang biktima.

Nangako namang sasagutin ng pamilya ng nakabonggo ang gastuhin sa pagpapagamot ni Datucan. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento