Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Dugo Ko, Alay sa KaKOOlitan Ko” Year 2, a mass blood donation ng DXVL Radyo ng Bayan, isasagawa na bukas

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2015) ---Patuloy na iniimbetahan ng DXVL KOOL 94.9FM Radyo ng Bayan ang publiko na makiisa sa gagawing mass blood donation na pinamagatang “Dugo Ko, Alay sa KaKoolitan Ko” Year 2.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng ika-siyam na taong anibersaryo ng himpilang ito kungsaan kaagapay ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan bilang pakikiisa rin sa ika-68th founding anniversary ng Kabacan.

Maliban dito, ito ay bahagi ng selebrasyon ng Disaster Consciousness Month sa koordinasyon ng emergency Management Program.

Ang nasabing bloodletting activity ay gagawin sa DXVL grounds July 17, bukas alas 8:30 ng umaga.

Katuwang ng DXVL sa nasabing mass blood donation ang Rural Health Unit ng Kabacan, Kidapawan City Blood Bank, College of Health and Sciences, USM Hospital at kaagapay ang mga major at minor sponsors.

Kaya naman, hinihikayat ang lahat ng organisasyon, indibidwal, grupo na makiisa sa gagawing bloodletting activity bukas.

Ang “Dugo Ko, Alay sa KaKoolitan Ko” Year 2 ay bahagi ng ika-siyam na taong anibersaryo na may temang DXVL @9: Lakas ng Radyo Kaagapay ng Bayan sa Serbisyo Publiko. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento