(Kidapawan City/ July 13, 2015) ---Isinagawa
kahapon ang 33rd Annual General Membership Assembly Meeting ng
Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa Kidapawan Gym, Kidapawan City.
Naging panauhing pandangal at tagapagsalita
sa nasabing aktibidad si Hon. Wendell Ballesteros, ang General Manager ng Philippine
Rural Electrification Association o PHILRECA.
Sa kanyang mensahe, iginiit nito ang
kahalagahan ng Rural Electrification sa bansa sapagkat noong unang panahon ang
kuryente ay napapakinabangan lamang ng mga nasa siyudad o yaong mga nasa
kabisera ng lugar.
Pero ngayon dahil sa mas pinalawak na Rural
Electrification ay nararating nan g serbisyo ng kuryente ang mga malalayong
lugar kagaya nalamang ng programa na sinusunod ng Cotelco ang Sitios
electrification Program.
Nagkaroon din ng Ceremonial Switch on ng 81
Sitio Electrification Project sa taong 2014.
Naging kinatawan naman ni Gov. Lala Mendoza
si Board Member Noel Baynosa sa naturang programa, dumalo din si 3rd
District Board Member Jose “Ping-ping” Tejada at ang kinatawan ni Mayor Joseph
Evangelista.
Binigyan naman ng pagkilala ang 11 mga
outstanding Barangay Power Association o BAPAs ng taong 2014 na kinabibilangan
ng: BAPA Luayon Makilala, BAPA Sitio Calaocan, Paco, Kidapawan City West, BAPA
Manongol, Kidapawan city East, BAPA Namnama, Matalam, BAPA Banayal, Tulunan,
BAPA Katidtuan, Kabacan, BAPA Mahongcog Magpet, BAPA Sagcungan, Pres. Roxas,
BAPA Langkong Mlang, BAPA Kilala, Carmen at BAPA Malangag, Antipas.
Bukod dito, iprenisenta rin ang mga Cotelco
Scholar graduates kungsaan nabigyan ng Coop Scholarship medal SY 2014-2015 sina
Emman Simpliciano, BS Computer science, Maricel Agravante-BS Education at Lady
Engineer Hatamosa-BS Accountancy Cum Laude.
Samantala binisita naman ng mga miyembro ng
MSEAC Kabacan si Kabacan Cotelco District Board Director Merca Bao-ay dahil sa
di maipaliwanag na sakit na dumapo sa kanya.
Agad namang nag-alay ng panalangin ang grupo
para sa maagang pag-kakarekober ng director sa nasabing sakit.
Si Board Bao-ay ang pumalit kay dating Board
director ng Kabacan na si Samuel Dapon. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento