Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

TESDA stude patay sa buy-bust

(North Cotabato/ July 12, 2015) ---Napatay ang 21-anyos na TESDA student habang na­aresto naman ang ka­sab­­wat nito makaraang ma­ki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Marber, bayan ng Bansalan, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang napatay na si Arminel Floreno ng Barangay Malasila sa ba­yan ng Makilala habang nakakulong naman ang kasama nito na si Muktar Owan ng Sitio Flortam sa nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Senior Insp. Jefrey Latayada, hepe ng Bansalan PNP, sinubukang tumakas ng mga suspek na lulan ng motorsiklo matapos makumpiskahan ng bawal na droga sa isinagawang buy-bust operation.

Subalit bumangga sa punungkahoy ang motorsiklo ng dalawa kaya napilitang tumakas. 

Tinangkang barilin ni Floreno ang isa sa mga operatiba ng pulisya pero hindi pumutok ang hawak nitong baril hanggang sa putukan ito ng pulisya habang si Muktar naman ay nasakote matapos mahirapan itong bumaba sa punungkahoy na kanyang pinagtaguan.

Narekober kay Floreno ang isang cal. 38 revolver at granada. 

Kinumpirma ng Magsaysay PNP na isinailalim nila sa surviellance ang da­lawa na pinaniniwalaang res­ponsable sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mga bayan ng Magsaysay at Bansalan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento