Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa sa mga suspek sa Aringay slay, hawak na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2015) ---Hawak na ngayon ng Kabacan PNP ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa mag-asawang Gracia at sa 14-anyos na dalagita sa Purok Pag-asa, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato nitong weekend.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL News na nasa kanilang kustodiya ngayon ang suspek na si Roberto Gracia Cabrera 52 anyos, may asawa at kamag-anak ng biktima, residente ng Purok Namnama, Dagupan, Kabacan, Cotabato.

Ang suspek ay nahuli sa bahay ng kanyang kapatid sa Brgy. Osias, Kabacan alas 12 kamakalawa ng tanghali.

Dagdag pa ng opisyal na natukoy ng witness ang suspek dahil sa scarf nito narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Maliban dito, narekober din sa suspek ang isang Nokia cellphone na sasailalaim sa cyber crime examination upang masuri ang mga text messages at mga record ng tawag, ayon pa kay Cordero.

Sumailalaim na rin sa paraffin test ang suspek upang malaman kung may presensiya ng gun powder sa kanya.

Inihayag din ng opisyal na may mga finger prints din na nakuha sa pinangyarihan ng krimen at patuloy ng iniimbestigahan ng mga otoridad.

Sakaling tumugma ang finger prints nito sa nakuhang finger prints ng mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives o SOCO, ito ang magiging batayan upang lalo pang mapalakas ang ebedensiya laban sa suspek.

Samantala, ipinaliwanag din ni PSI Cordero na bago nangyari ang krimen ay na-i-pa-blotter na umano noon ng biktima na si Milcha Gracia ang suspek dahil sa pag-aabandona nito ng kanyang anak sa bahay ng mga biktima.


Nairecord umano sa MSWD Kabacan ang naturang insidente. Rhoderick Beñez/ Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento