(North Cotabato/ July 14, 2015)
---Nagpalabas na ng deriktiba ang Cotabato Schools Division head sa mga
district supervisor na suriing mabuti ang mga pagkaing na ibinebenta sa mga
school canteen sa kanilang nasasakupan.
Ginawa ng pamunuan ng Cotabato Division Head
ang pahayag matapos ang magkahiwalay na insidente ng pagkaka-ospital ng mga
bata matapos na makakain ng siopao at durian candy.
Ayaw na aniya ng opisyal na maulit pa ang
nangyaring pagkalason sa mga estudyante sa Aleosan at maging ang insidente sa
Kidapawan City.
Sa isinagawang pagpupulong ngayong araw
kasama ang mga District supervisor, mandato ni Obas na suriing mabuti ng mga
supervisor at tiyaking malinis ang mga ibibentang pagkain sa kanilang nasasakupan
para sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro sa mga eskwelahan.
Pansamantala namang ipinahinito ng opisyal
ang pagdedeliver ng mga paninda sa school canteen sa brgy. Dualing Central
Elementary School sa Aleosan, North Cotabato.
Matatandaaang, dinala sa Aleosan, District
Hospital ang labing limang elementary pupils matapos makaramdam ng pananakit ng
tiyan at pagsusuka dahil sa kinaing umano siopao.
Pero nilinaw naman nito na hindi pa nila
makumpirma sa ngayon kung ang nabanggit na pagkain ba ang tunay na dahilan
nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento