Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Utak ng Maguindanao Massacre, comatose

(North Cotabato/July 16, 2015) ---Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., 70, sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue, QC makaraang ma-Comatose at nagkaroon ng massive heart attack noong Lunes.

Si Ampatuan Sr. ang itinuturong utak ng “Maguindanao Massacre” na ikinasawi ng 58 katao, 32 dito ay mediamen.

Napag-alamanna si Ampatuan Sr. ay may liver cancer.


Dalawang oras ang ibinigay ng korte kina Akmad Tatu Ampatuan, Anwar Ampatuan Jr. at Anwar Ipi Ampatuan para madalaw ang ama sa naturang pagamutan.

Dahil dito, pinayagan ng QC Regional Trial Court Branch 221 na makadalaw kay Ampatuan Sr. ang tatlo niyang anak.

Ang mga nabanggit ay pawang akusado rin sa Maguindanao massacre noong Nov. 23, 2009.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento