(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2015) ---Sa
layuning mapangalagaan ang kapaligiran, matagumpay na naisagawa ang isang Tree
Growing Activity na pinangunahan ng DXVL KOOL FM -Radyo ng Bayan ngayong umaga.
Katuwang ng himpilan ang University Student
Government ng University of Southern Mindanao, Municipal Environment and
Natural Resources o MENRO, National Service Training Program o NSTP, Local
Government Unit of Kabacan, College of Arts and Sciences, Department of
Development Communication, InterVarsity Christian Fellowship o IVCF Kabacan,
TRIMMOC, Earth Savers Club, mga fraternities and Sororities at iba pa.
Ang aktibidad ay isinagawa sa USM compound
kungsaan mga punla ng Narra at Mabolo ang itinanim ng mga lumahok dito.
Dumalo din sa nasabing programa kanina sina
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan, NSTP
Coordinator Dr. May Eva Garcia, MENRO Officer Gerry Laoagan at maraming iba pa.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento