Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ July 14, 2015) --- Kamatayan ang sumalubong sa isang magsasaka matapos na mapaslang ng di pa nakilalang suspek sa panibagong krimen na naganap sa Purok Rang-ayan, Baranagay Villamor sa bayan ng Esperanza sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 12:45 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PInsp. Tirso Pascual ng Esperanza PNP ang biktima na si Harris Tambak Midzuyaw, 26-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Ilian sa nasabing bayan.


Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang biktima mula sa di matukoy na uri ng baril kungsaan 11 mga empty shell ang narekober sa crime scene.

Agad namang tumakas, mabilis na tumakas ang suspek matapos na maisakatuparan ang masamang balakin.

Rido o Clan War ang isa sa mga anggulong sinusundan ng pulisya sa nasabing krimen pero di rin nila isinasantabi ang isyung may kinalaman sa illegal na droga. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento