Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tree Growing Activity ng DXVL, kasado na para bukas!

(Kabacan, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Kasado na ang gagawing Tree Growing Activity ng DXVL Radyo ng Bayan bilang bahagi ng aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng istasyon.

Gagawin ang nasabing aktibidad alas 5:30 hanggang alas 7:00 ng umaga bukas na isasagawa sa loob ng USM compound.

Iba’t-ibang mga organisasyon ang sasali sa nasabing tree growing.

Katuwang ng DXVL ang Menro Kabacan sa pamumuno ni Menro Officer Gerry Loaogan, kasama ang College of Arts and Sciences sa pangunguna ni CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan at ni NSTP Director Dr. May Eva Garcia at ang University Student Government o USG.


Kabilang naman sa mga itatanim ay ang Narra at Mabolo.

Pinasalamatan din ng himpilang ito ang mga sponsors na tumataguyod ng nasabing aktibidad.

Inaasahan namang dadalo sa nasabing aktibidad si Mayor Herlo Guzman Jr., USM Pres. Dr. Francisco Garcia bilang suporta ng mga ito sa mga programang humihikayat na alagaan ang kapaligiran at inang kalikasan.

Katuwang din ng himpilang ito sa nasabing gawain ang TRIMMOC, Earth Savers Club, IVCF Kabacan at iba’t ibang mga fraternities and sororities.

Ang Tree Growing Activity ay bahagi ng ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL na may temang DXVL @9: Lakas ng Radyo Kaagapay ng Bayan sa Serbisyo Publiko. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento