Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapababa ng Production cost sa Palay, target ng DA para malabanan ang Rice Smuggling

(South Cotabato/ January 20, 2014) ---Iginiit ni Department of Agriculture Proceso Alcala na bago matapos ang kanyang termino ay balak nitong pababain ang produksiyon cost ng palay.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa punong pambalitaan ng mga kagawad ng media na isinagawa sa The Farm, Carpenter Hill, Koronadal city sa kanyang pagbisita sa South cotabato nitong Biyernes.

Bukod aniya sa matulungan ang mga magsasaka isa ito sa mga nakikita nitong solusyon upang di na kailangan pang umangkat ng bigas ang bansa, matapos na masangkot ang ahensiya sa rice smuggling.

Patong-patong na kaso, isasampa ng Alamada PNP sa pumaslang sa habal-habal drayber

(Alamada, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek na si Crisler Hernandez Anover alias Mokring ng Alamada North Cotabato matapos siyang ituro na responsable sa pagpapatay kay Cecilia Samaniego ng barangay Mirasol, Alamada noong November 28 ng nakaraang taon.

Matatandaang nahuli ang suspek matapos ang pamamaslang sa isang habal habal driver na si Jefrey Penesa Cervantes at ninakawan pa ng motorsiklo noong Enero a-14 ng kasalukuyang taon.

Regional Contingency Plan, Pinapaigting ng RDRRMC 12

(Koronadal City/ Janaury 20, 2014) ---Pinaplantsa na ng Office of the Civil Defense Regional Office 12 ang Regional Contingency Plan ng Rehiyon upang mapaghandaan ang mga di inaasahang kalamidad na tatama sa Rehiyon.

Ito ang sinabi ni OCD 12 Regional Director Jerome Barranco sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon kasabay ng pagbabantay nila sa lagay ng panahon sa Region 12.

Pambato ng Region 12 sa National cooking contest, sinasanay na ng CHEFS-USM

(USM, Kabacan, Cotabato/ January 20, 2014) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng kalahok mula sa rehiyon 12 para sa Pambansang patimpalak sa pagluluto  buhat sa College Of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS.

Ayon kay International Hospitality Travel and Tourism Management Department Chairperson Cheryl Dulay sinasanay ngayon si Jonas Sabangon 2nd year HRM student sa tulong ng kanyang Coach na si Professor Avegail Roy para paghandaan ang paglahok sa National Cooking Competition.

2 kaso ng nakaw-motorsiklo, naitala sa magkahiwalay na lugar ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Isang 40-anyos na lalaki ang panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa bayan ng Kabacan kamakalawa ng umaga.

Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Pido Bautista residente ng Dalapitan, Matalam, North Cotabato.

Handy Craft Center sa Kabacan, binuksan na!

(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Para mapakinabangan ang dumadaming Water Hyacinth na nasa Barangay Cuyapon dito sa bayan ng Kabacan binuksan ng Pamahalaang Lokal ang Handy Craft Center.

Ayon kay Agricultural Technologist Lorna Mapanao layon nito na mabigyan din ng trabaho ang ilang mga kababayan sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang mga gamit buhat sa mga pinatuyong water hyacinth.

Halad Festival 2014 sa Midsayap, North Cotabato; dinagsa ng maraming manonood

(Midsayap, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Dinadagsa ang pagdiriwang  ng Halad Festival Sa Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Halad Festival 2014 Over-all Chairman Rolly Sacdalan masaya at matiwasay naman sa kabuuan ang nasabing kapistahan at wala namang mga naiulat na mga di inasahang insidente mula noong unang araw ng pagsisimula nito.

7 buwang sanggol nasa maayos ng kalagayan, matapos na ipalaglag ng Ina

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2014) ---Nasa maayos ng kalagayan ang “Miracle baby” matapos na iluwal ito ng kanyang ina alas 5:00 ng madaling araw kahapon.

Ito ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne Saliling matapos na mabilis na isinugod ito ng ilang mga staff ni Mayor Herlo Guzman sa Kidapawan Medical Specialist kahapon ng hapon.

Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao abot-kamay na – ayon kay Bangsamoro Transition Commission Chair Mohagher Iqbal

Written By: Jimmy Santacruz

Dumating na ang takdang panahon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa Mindanao.  Ito ang sinabi ni Bangsamoro Transition Commission (BTC) at Moro islamic Liberation Front (MILF) Chief Peace Negotiator Mohagher Iqbal sa ginawa niyang courtesy call sa tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza noong Biyernes, Jan.17.

Kasama ni Iqbal ang 14 na mga miyembro ng BTC sa pagbisita sa provincial governor’s office kung saan nagbigay ng kanyang mensahe ng kapayapaan si Iqbal para sa mamamayan ng Cotabato.

3 patay sa Shootout sa Cotabato City

(Cotabato City/ January 16, 2014) ---Patay ang tatlong mga lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa National Highway- Tamontaka Uno, Cotabato city dakong alas 8:00 ng umaga kanina.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sakay ang mga biktima sa dalawang magkahiwalay na motorsiklo at pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng limang di pa nakikilalang suspek.

38-anyos na Ginang, arestado sa pagpupuslit ng illegal na droga sa loob ng kulungan

(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2014) ---Arestado ang isang 38-anyos na ginang matapos ang tangkang pagpupuslit nito ng illegal drugs sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Amas, Kidapawan city kahapon.

Kinilala ang suspek na si Sumbra Akmad Uray, 38, magsasaka at residente ng Barangay Kitulaan, Carmen, North Cotabato.

Panibagong Ordinansa sa mga tricycle at trisicab sa Kabacan, inalmahan ng mga draybers at operators

(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Umalma ang ilang mga motorista sa Kabacan hinggil sa panibagong ipinapatupad na ordinansa hinggil sa color coding.

Ito ang reaksiyon ng ilang mga motorista na nakapanayam ng DXVL News.

Tangkang pagpapakamatay ng isang Inmate sa Kabacan Lock-up cell, napigilan

(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Napigilan ang pagpapakamatay ng isang preso sa Kabacan Lock up cell kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP gitlin sana ng isang Renate Tampos ang buhay nito makaraang wala na itong nakikitang pag-asa.

Konsultasyon kaugnay sa Bangsamoro Basic Law idinaos sa Midsayap, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Higit dalawandaang katao mula sa iba’t- ibang sektor ang dumalo sa Bangsamoro Basic Law Consultation ngayong araw na ginanap sa Audio Visual Center ng Southern Christian College, Midsayap, North Cotabato.

Sa kanyang mensahe ay inihayag ni Mindanao Peoples Caucus Secretary General Mary Ann Arnado na mahalagang makonsulta ang mga mamamayan tungkol sa magging laman ng Bangsamoro Basic Law na ginagawa na ngayon ng Bangsamoro Transition Commission o BTC.

USM-STAND, tinututukan ang pagpili ng bagong Presidente sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Tinututukan ng mga estudyante ng University of Southern Mindanao o USM ang pagpili ng bagong presidente ng unibersidad.

Ito ang ipinahayag ni Alliance for Nationalism and Democracy o STAND-USM spokesperson Reymon Reyes makaraan ang presentasyon ng anim na kandidato sa pagka-Presidente.

Bangkay ng Lalaki nakitang palutang-lutang sa Paidu-Pulangi river sa Pikit, North Cotabato; misis naman sa Kabacan, nanawagan hinggil sa mister na Missing

(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Isang bangkay ng lalaki ang nakita na palutang-lutang sa may ilog ng Paidu-Pulangi sa Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Mautin Pangandigan, ang OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang bangkay ay nasa edad 18-25.

Proyekto ng municipal Engineering Office ng Matalam, kasado na sa unang Quarter ngayong taon

(Matalam, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Aabot sa mahigt 14.5 milyong peso ang inilaang pondo ng Municipal Engineering Office ng LGU Matalam, North Cotabato, ngayong first quarter ng taon sa pagpapagawa ng mga kalsada ng nasabing bayan.

Isa na rito ang purok 6 Bugwa Road, Rehabilitasyon ng Yang Mina St., Poblacion Municipal St., Taguranao at iba pa.

Color Coding ng mga Motorista sa Matalam North Cotabato, Ipapaptupad na rin

(Matalam, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Sa ngayon ay may halos – 300 motorista na ang nakapag – renew ng kanilang mga prangkisa at pagpipintura ng kulay green sa kanilang mga pampasaherong motorsiklo, ayon sa color coding ng Matalam North Cotabato.

Ayon kay Sangguniang Bayan Secretary Jessica Parreñas na patuloy parin silang tumatanggap ng mga magpaparenew at pagpipintura  sa kanilang mga motorsiklo.

Libu-libong halaga ng pera, nilimas sa isang simbahan sa North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Abot sa P30,000 ang natangay ng mga di pa nakilalang salarin matapos na nilooban ng mga ito ang Kingdom Hall ng Jehovas Witnessess sa Matalam, North Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kanina.

Ayon sa report ng Matalam PNP, nalimas ng mga suspek ang isang amplifier, 2 meter cords ng kanilang sound system, 4 na microphone, 2 piraso ng 25 meters cords, 1 piraso ng 15 meter cord, 1 CD player at 3 bulbs.

Habal-habal drayber, natagpuang patay sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Kalunos-lunos ang sinapit ng habal-habal drayber mula sa kamay ng di pa nakilalang suspek matapos paslangin at agawan ng motorsiklo sa Barangay Kamansi, Alamada, North Cotabato pasado alas 8:00 ng umaga.

Kinilala ni Police Insp. Joeffrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Jeffrey Penesa, residente din ng nasabing lugar

Sundalo, patay; kasamang tulak droga, arestado sa buybust operation sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Sinalubong ni kamatayan ang isang sundalo makaraang mapaslang sa isinagawang buy-bust operation sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Reinante delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang nasawing suspek na si Tumindig Guiapal, aktibong miyembro ng Philippine Army habang kinilala naman ang kasamahan nito na si Teng Kabalu, 46 anyos, isang magsasaka, residente ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

MDRRMC Kabacan, pinalalakas ang contingency Plan hinggil sa mga pagbabaha sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Pinapalakas ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council o MDRRMC Kabacan ang contingency plan na siyang tutugon sa mga pagbaha na posibleng sumalanta sa bayan sa mga darating na buwan.

Ayon kay MDRRMC head David Don Saure, ito kasunod ng ginagawa nilang monitoring sa ilang mga lugar na may mga pagbaha sanhi ng mga pagbuhos ng ulan nitong nakaraang araw.

Mga lugar na parating binabaha sa Kabacan, tinukoy sa topographic Survey

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Kamakailan lamang ay natapos na ang kauna-unahang  topographic Survey ng LGU Kabacan katuwang ang Provincial Government para tukuyin ang mga lugar na parating binabaha sa bayan.

Ayon kay topographic survey supervisor Ryan Bantiling inilatag nila ang pangmatagalang solusyon para matuldukan ang problema sa pagbabaha sa bayan.

Paglalagay ng Center Island sa National highway ng Kabacan, planung itayo

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Planu ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan na magpatayo ng Center Island sa National Highway partikular sa Rizal St., ng Poblacion.

Ito para maiwasan ang agarang pag-U-turn ng mga sasakyan na dahilan ng aksidente sa daan.
Ang proyekto ay ipa-implementa ng Engineering Office batay naman sa inilaang pondo ng LGU sa nasabing proyekto.