(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Tinututukan ng
mga estudyante ng University of Southern Mindanao o USM ang pagpili ng bagong
presidente ng unibersidad.
Ito ang ipinahayag ni Alliance for Nationalism and Democracy o
STAND-USM spokesperson Reymon Reyes makaraan ang presentasyon ng anim na
kandidato sa pagka-Presidente.
Ayon kay Reyes, inaasahan ng mga estudyante na tututukan ng
mahahalal ng presidente ng USM ang mga bayarin sa eskwelahan, na ayon pa sa
kanya ay dagdag pasanin ng mga mag-aaral ng state-run university.
Nabatid na abot sa 23 million pesos ang nabawas sa budget ng USM,
kaya’t nagbabadya na naman daw ito ng panibagong pagtaaas ng tuition fee.
Kabilang sa mga Presidentiables na ito sina: Dr.
Palasig Ampang, Dr. Francisco Gil Iko Garcia, Dr. Rolando Hechanova, Dr.
Makalutang Luna, Dr. Samson Molao at Dr. Abubakar Murray.
Bagama’t may mga umuugong na report na may tatlo
na umanong pasok sa top list ng Search Committee, hindi pa umano ito pinal,
ayon sa Board Secretary dahil ang anim pa rin ang isasama ng Search Committee,
base sa ranking at ratings na isasagawa nila.
Matapos ang nasabing proseso, doon na boboto ang
USM Board of Regents ang highest policy making body ng Pamantasan.
Kung di mababalam ang proseso posibleng may bago
ng mailuklok na Presidente ang USM sa susunod na buwan, ayon kay Dr. Nora
Manero, ang USM Board Secretary. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento