(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2014)
---Nasa maayos ng kalagayan ang “Miracle baby” matapos na iluwal ito ng kanyang
ina alas 5:00 ng madaling araw kahapon.
Ito ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne
Saliling matapos na mabilis na isinugod ito ng ilang mga staff ni Mayor Herlo
Guzman sa Kidapawan Medical Specialist kahapon ng hapon.
Matapos na humingi ng saklolo ang ilang
Staff ng Kabacan Medical specialist na dalhin na ito sa Kidapawan.
Sa ngayon patuloy na binabantayan ng Rural
Health Unit staff ng Kabacan ang nasabing Miracle baby.
Una na ring nagbvigay ng financial
assistance si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa pag-papa-ospital sa pitong
buwang sanggol.
Nabatid mula sa isang concern citizen na
naabutan pa nila ang ina ng sanggol na duguan sa isang boarding house sa Rio
Grande matapos na iluwal nito ang lalaking miracle baby. Rhoderick Beńez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento