Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pambato ng Region 12 sa National cooking contest, sinasanay na ng CHEFS-USM

(USM, Kabacan, Cotabato/ January 20, 2014) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng kalahok mula sa rehiyon 12 para sa Pambansang patimpalak sa pagluluto  buhat sa College Of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS.

Ayon kay International Hospitality Travel and Tourism Management Department Chairperson Cheryl Dulay sinasanay ngayon si Jonas Sabangon 2nd year HRM student sa tulong ng kanyang Coach na si Professor Avegail Roy para paghandaan ang paglahok sa National Cooking Competition.


Isa umano ito sa mga karangalang ipinagmamalaki ng College Of Human Ecology and Food Sciences.

Umaasa naman ang mga ito na makukuha nito ang kampeonato sa National Level.

Ang CHEFS ay isa mga kolehiyo ng USM na nag ooffer ng mga kursong, BSHRM, BSTourism, BSTM, BSFT, BSNutrion and Dietitics.

Pinaghahandaan na rin ngayon ng naturang Kolehiyo ang darating na ika 58 anibersaryo sa darating na Pebrero a-21 ng susunod na buwan.


Ito ay pinamamahalaan ngayon ni Dean Tessie Viloria. Philip Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento