Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MDRRMC Kabacan, pinalalakas ang contingency Plan hinggil sa mga pagbabaha sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Pinapalakas ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council o MDRRMC Kabacan ang contingency plan na siyang tutugon sa mga pagbaha na posibleng sumalanta sa bayan sa mga darating na buwan.

Ayon kay MDRRMC head David Don Saure, ito kasunod ng ginagawa nilang monitoring sa ilang mga lugar na may mga pagbaha sanhi ng mga pagbuhos ng ulan nitong nakaraang araw.

Sinabi ni Saure na may naka handa na ring mga evacuation center sakaling may mga paglikas na gagawin dahil sa pagbaha sa bayan kasabay ng pagtitiyak na naka handa na rin ang Kabacan Quick Response Team.

Maliban dito, sinabi ng opisyal na nakahanda rin ang amubalsiya ng SB ng bayan ng Kabacan na rerescue kung sakaling magkakaroon man ng pag baha dito sa bayan.

Samantala, Una nang tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau o MGB-12 ang mahigit 300 barangay sa rehiyon na palaging binabaha. Nabatid na 141 sa mga ito ay nasa North Cotabato, 72 sa Sultan Kudarat Province, 69 sa South Cotabato at 38 sa Cotabato city na pawang ikinokonsiderang "highly flood-prone" and "inhabitable during flooding". Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento