Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Konsultasyon kaugnay sa Bangsamoro Basic Law idinaos sa Midsayap, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ January 16, 2014) ---Higit dalawandaang katao mula sa iba’t- ibang sektor ang dumalo sa Bangsamoro Basic Law Consultation ngayong araw na ginanap sa Audio Visual Center ng Southern Christian College, Midsayap, North Cotabato.

Sa kanyang mensahe ay inihayag ni Mindanao Peoples Caucus Secretary General Mary Ann Arnado na mahalagang makonsulta ang mga mamamayan tungkol sa magging laman ng Bangsamoro Basic Law na ginagawa na ngayon ng Bangsamoro Transition Commission o BTC.


Nagsisilbi umanong malaking oportunidad ang konsultasyon para sa mamamayan upang maiwasan ang gulo at pagkalito tungkol sa nilalaman ng panukalang batas na siyang bubuo sa Bangsamoro New Autonomous Political Entity.

Ginawa ring halimbawa ni Arnado ang kaso ng Memorandum Agreement on ancestral Domain o MOA-AD na ideneklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema dahil sa kawalan ng konsultasyon at pagbibigay impormasyon sa stakeholders.

Ayon kay Arnado isa sa mahalagang aral ng mga karanasan sa pagsusulong ng usaping pangkapayapaan sa Mindanao ay ang pagkonsulta sa mga mamamayan.

Hinikayat din niya ang mga dumalo na tumulong sa information campaign tungkol sa nilalaman ng Framework Agreement at ng iba pang annexes nito.


Nabatid na ang natukoy na konsultasyon tungkol sa batas na bubuo sa Bangsamoro ay inorganisa ng Southern Christian College, Civil Peace Service, Bread For The World kaagapay ang PALMA-PB Alliance of Municipalities Project Management Office.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento