(Kabacan, North
Cotabato/ January 15, 2014) ---Kamakailan lamang ay natapos na ang
kauna-unahang topographic Survey ng LGU
Kabacan katuwang ang Provincial Government para tukuyin ang mga lugar na
parating binabaha sa bayan.
Ayon kay topographic
survey supervisor Ryan Bantiling inilatag nila ang pangmatagalang solusyon para
matuldukan ang problema sa pagbabaha sa bayan.
Ang nasabing survey
ay tumutukoy sa mga mabababa at matataas na bahagi ng bayan para alamin kung
saang lugar ang flood prone areas ng bayan.
Sinabi ni Bantiling
na abot sa dalawang buwan ang pagbalangkas ng nasabing proyekto kasama na ang
pagsasaayos ng drainage at canal ng Kabacan na pangunahing iniatas sa kanila ni
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento