(South Cotabato/ January 20, 2014) ---Iginiit
ni Department of Agriculture Proceso Alcala na bago matapos ang kanyang termino
ay balak nitong pababain ang produksiyon cost ng palay.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa punong
pambalitaan ng mga kagawad ng media na isinagawa sa The Farm, Carpenter Hill,
Koronadal city sa kanyang pagbisita sa South cotabato nitong Biyernes.
Bukod aniya sa matulungan ang mga magsasaka isa
ito sa mga nakikita nitong solusyon upang di na kailangan pang umangkat ng
bigas ang bansa, matapos na masangkot ang ahensiya sa rice smuggling.
Aniya, nagkaroon umano ng rice smuggling
dahil sa pag-aangkat ng bansa ng bigas,
ito dahil sa mas mura ang produksiyon cost sa ibang bansa sa Asya.
Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng
“Palayabangan” ay bago magtapos ang termino ni Pangulong Aquino ay iiwan nila
ang fighting for na 7-7, ibigsabihin nito, sa bawat pitong metrikong tonelada
ay dapat na P17.00 per kilogram ang produksiyon ay di na kailangan pang
umangkat ng bigas sa ibang bansa.
Sinabi din nito na dahil sa production cost,
kaya tumaas din ang presyo ng bigas sa Mercado publiko partikular na sa Kabacan
Public Market sa pagpasok ng bagong taon sa kabila ng 129% Rice Sufficient ang
Region 12, ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento