Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Halad Festival 2014 sa Midsayap, North Cotabato; dinagsa ng maraming manonood

(Midsayap, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Dinadagsa ang pagdiriwang  ng Halad Festival Sa Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Halad Festival 2014 Over-all Chairman Rolly Sacdalan masaya at matiwasay naman sa kabuuan ang nasabing kapistahan at wala namang mga naiulat na mga di inasahang insidente mula noong unang araw ng pagsisimula nito.


Kaugnay nito, gabi ng Huwebes ay nagtagisan ang siyam na dilag sa kanilang isinagawang Mutya ng Halad Festival at itinanghal si Kristine Concepcion bilang Mutya ng Halad Festival 2014.

Maliban sa nasabing pageant tampok rin ang ibat ibang mga aktibidad kagaya ng Power lifting at Body Building, Motor cross, Cultural show, konsyerto ng Rocksdteddy.

Naiuwi naman ng grupong Marian Ignacian ng Saint Mary Academy ang 1st place sa Local Winners category sa isinagawang Indakan sa Kadalanan o ang Street Dancing na isa sa mga highlight ng kapiestahan.

Pumapangalawa dito ang GKK-Salunayan District, 3rd- De Rose Shopping Center.
Samantala sa Open Category naman, nasungkit ng grupong Mideyayong ng Midsayap Dilangalen ang 1st place, 2nd ang Upian ng Meguyaya Festival habang 3rd Place ang T’duray Lambingian ng Upi.

Itinanghal naman bilang best costume sa local ang GKK Salunayan District habang best costume at best music ang Mideyayong at best in street dance Upian Meguyaya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento