Written By: Jimmy Santacruz
Dumating na ang takdang panahon
ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni Bangsamoro Transition Commission (BTC) at Moro islamic
Liberation Front (MILF) Chief Peace Negotiator Mohagher Iqbal sa ginawa niyang
courtesy call sa tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza noong Biyernes, Jan.17.
Kasama ni Iqbal ang 14 na mga
miyembro ng BTC sa pagbisita sa provincial governor’s office kung saan nagbigay
ng kanyang mensahe ng kapayapaan si Iqbal para sa mamamayan ng Cotabato.
Ayon
pa rin kay Iqbal, matatapos na ang pagbuo ng Bangsamoro Basic Law sa buwan ng
Abril ngayong taon. Ang Bangsamoro Basic Law o BBL ay siyang magiging basehan
ng pamahalaang Bangsamoro sa oras na ito ay magiging prayoridad na batas ng
Pangulong Noynoy Aquino at maaprubahan sa pamamagitan ng halalan sa 2016.
Inamin ni Iqbal na mas maraming
malalaking hamon ang kinakaharap ngayon ng Bangsamoro at pamahalaan ng
“Pilipinas sa usapang pangkapayaaan.
Kaugnay nito, nanawagan ang MILF
official sa mga taga-Mindanao na bigyan ng pagkakataon ang pagtatatag ng
Bangsamoro para mapatunayan ang magandang layunin nito.
Ang mga miyembro ng BTC
na dumating sa kapitolyo ay kinabibilangan nina Robert Alonto, Akmad Sakkam, Hussein Muñoz, Asani Tammang,
Pedrito Eisma, Ibrahim Ali, Raissa Jajurie, Johaira Wahab, Talib Benito,
Melanio Ulama, Said Sheik at Abdulla Camlian.
Kasama rin sa delegado ng BTC ang pinuno ng International
Monitoring Team mula sa Malaysia na si Major Gen. Dato Abdul Rahim bin Mohd
Yusuff at iba pa. Mula naman sa kapitolyo ay dumalo sina Cotabato Board Members
na sina Eliseo Garcesa, Jr., Cris Cadungon, Rogelio Marañon, Kelly Antao,
Maybelle Valdevieso, Kelly Antao at Jomar Cerebo. Pinasalamatan naman ni Iqbal
at mga commissioner ng Bangsamoro Transition Commission si Gov. Taliño-Mendoza
sa aniya ay sinserong suporta ng gobernadora sa pagsusulong ng kapayapaan sa
lalawigan.
Para sa BTC, si Gov.
Taliño-Mendoza at ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ay
mga tunay na taga-pangalaga ng kapayapaan at katahimikan sa Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento