Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 kaso ng nakaw-motorsiklo, naitala sa magkahiwalay na lugar ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Isang 40-anyos na lalaki ang panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa bayan ng Kabacan kamakalawa ng umaga.

Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Pido Bautista residente ng Dalapitan, Matalam, North Cotabato.


Ang nasabing motorsiklo ay isang Honda Wave 100 at may license Plate 11 5085.

Ayon sa biktima, iniwan lamang nito sa terminal ng multicab na nasa National Highway papuntang Matalam ang kanyang motorsiklo, pero ng balikan nito, laking gulat niyang wala na ang kanyang sasakyan.

Sa Matalam, North Cotabato ---Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon sa pagkawala ng isang Suzuki Raider sa Brgy. Dalapitan, Matalam, Cotabato.

Ang sasakyan ay pag-mamay-ari ni Ronie Rey Rosulia 35-anyos residente ng Brgy. Bialong sa bayan ng Mlang.

Ayon sa report, hiniram umano ng suspek na si Alias Panoy Saniel ang kanyang motorsiklo nito pang nakaraang Biyernes, pero hanggang ngayon ay di pa rin nito ibinalik.

Sa ngayon, inireport na nito sa Matalam PNP ang nasabing pangyayari. Febelyn Arconado


0 comments:

Mag-post ng isang Komento