(Kabacan, North
Cotabato/ January 15, 2014) ---Planu ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan na
magpatayo ng Center Island sa National Highway partikular sa Rizal St., ng
Poblacion.
Ito para maiwasan
ang agarang pag-U-turn ng mga sasakyan na dahilan ng aksidente sa daan.
Ang proyekto ay
ipa-implementa ng Engineering Office batay naman sa inilaang pondo ng LGU sa
nasabing proyekto.
Kabilang pa sa mga
ipapatupad na proyekto ng Engineering Office ay ang Farm to Market road sa
Brgy. Cuyapon na pinonduhan ng abot sa P12M.
Kaugnay nito, Sinabi
ni Municipal Engineer Noel Agor na nagpapatuloy rin ang concreting project sa ilang
mga kalye ng Poblacion partikular na sa Rio Grande, Ma. Clara at Roxas
Extension habang natapos na rin ang ilangmga kalye sa Datu Piang, Jose Abad
Santos at Kalye Putol na nasa Kapayapaan St.
Maliban sa nabanggit
na proyekto, natapos na rin ng nasabing tanggapan ang pagpapatayo ng Chokepoint
sa mga lugar ng Osias, Zamora, Santo Nino at Bonifacio St. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento