Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Handy Craft Center sa Kabacan, binuksan na!

(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2014) ---Para mapakinabangan ang dumadaming Water Hyacinth na nasa Barangay Cuyapon dito sa bayan ng Kabacan binuksan ng Pamahalaang Lokal ang Handy Craft Center.

Ayon kay Agricultural Technologist Lorna Mapanao layon nito na mabigyan din ng trabaho ang ilang mga kababayan sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang mga gamit buhat sa mga pinatuyong water hyacinth.


Sinabi ni Mapanao na ang programa ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan at pinonduhan ng abot sa P225, 000.

Sa ngayon, ang proyekto ay nasa pangangalaga ng Cuyapon Weaver Association (CWA).

Ang CWA ay makikita sa mismong Barangay Hall ng ng nasabing Barangay.

Makikita naman sa loob ang mga pasilidad nito, kagaya ng mga sewing machine, zigzager, sealer at mga kagamitang pandikit.

Tiniyak naman ng assosasyon na magagandang kalidad naman ang kanilang ginagawa para makahikayat ito ng maraming mamimili. Rhoderick Beñez with report from Princess Ann Tupas


0 comments:

Mag-post ng isang Komento