(Alamada, North Cotabato/
January 20, 2014) ---Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek na si
Crisler Hernandez Anover alias Mokring ng Alamada North Cotabato matapos siyang
ituro na responsable sa pagpapatay kay Cecilia Samaniego ng barangay Mirasol,
Alamada noong November 28 ng nakaraang taon.
Matatandaang nahuli ang suspek
matapos ang pamamaslang sa isang habal habal driver na si Jefrey Penesa
Cervantes at ninakawan pa ng motorsiklo noong Enero a-14 ng kasalukuyang taon.
Sa follow up operation ng
Alamada PNP sa pangunguna ni PCInsp. Joefrey Todeno, hepe ng Alamada MPS nakuha
mula kay alias Mokring ang isang caliber 45 pistol at ang motorsiklo na ninakaw
nito kay Penese.
Ang narecover na baril ay syang
ginagamit nito para gumawa ng krimen.
Nahuli ang suspek habang
nagtatago sa Barangay Bugso Senator Ninoy Aquino Sultan kudarat. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento