(Kabacan, North
Cotabato/ May 9, 2013) ---Arestado ang isang 45-anyos na drayber makaraang
masangkot sa kasong Falsification of Commercial
Document o pamemeke ng dokumento alas 2:00 kahapon.
Nanguna sa
pag-aresto si Police Inspector Jubernadin Panes, Deputy chief of Police ng
Kabacan PNP sa suspek na kinilalang si Rodulfo Ratilla residente ng Brgy.
Dagupan ng bayang ito.
Ang warrant of
arrest ay inisyu ni Hon. Jill Rose S. Jaugan-Lo ng Davao MTC branch.
Nasa kostudiya
ng Kabacan PNP ang naturang suspek.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento