Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Comelec Kabacan, inaasahan na magiging matagumpay ang halalan sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2013) ---Inaasahan ngayon ng Comelec Kabacanna magiging mabilis at maayos ang botohan sa darating na Mayo-13, ito ang naging pahayag ng Election Officer Josephine Macatas sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan.

Ayon pa sa opisyal, 100 % nang handa ang opisina maging mga polling precinct na pagdadaosan ng botohan.
Dagdag pa nya, na may nakahanda ng battery na tumatagal ng 16 na oras kung sakasakaling magbrownout.

Naihatid narin sa mga barangay ang mga PCOS machine maliban sa apat na malalayong lugar na kinabibilangan ng Barangay Simbuhay, Nangaan, Tampid at Simuni. 

Paalala pa ng opisyal sa mga botante na dapat alam na nila kung anung presinto naitala ang kanilang pangalan. 

Pinaaalahanan din ang mga tagasuporta ng magkakatunggaling partido na maging mahinahon sa araw ng eleksyon upang maiwasan ang ano mang tensyon. (DXVL Botohan 2013 Volunteer Reporter)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento