Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasong Malversation at graft kontra Rep. Sacdalan, ibinasura ng Ombudsman


(Midsayap, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Ibinasura ng Ombudsman ang kasong ‘malversation and graft charges’ na isinampa ni Engr. Milagros Casis laban kay dating governor at ngayon ay North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan.

Ang nabanggit na desisyon ay aprubado at nilagdaan mismo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales., ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Nabatid na September 25, 2012 pa nang ilabas ng Office of the Ombudsman ang desisyon sa ‘criminal case’ ayon kay Atty. Ruel Diaz na siyang tumayong legal counsel ni Sacdalan.

Dagdag ni Atty. Diaz, a-11 pa ng Mayo taong 2011 nang ma-dismiss rin ang kasong administratibo laban sa opisyal.

Ayon sa kongresista, ang pag-dismiss ng ombudsman sa kasong isinampa ni Casis sa kanya ay patunay lamang na wala siyang ginawang mali at malinis ang kanyang konsensya.

Dagdag ni Rep. Sacdalan, ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ng mga katunggali ngayon sa eleksyon ay pawang paninira lamang. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento