Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 uri ng High Explosive Device ,narekober ng mga otoridad sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Narekober ng mga otoridad ang dalawang uri ng malalakas na pampasabog sa Purok Crislam, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Froilan Gravidez, ang head ng Operations ng Matalam PNP agad na kinordon nila ang lugar habang nagsasagawa ng clearing operation ang PNP at ang EOD Team.

Sa inisyal na pagsisiyasat, isang 40MM Projectile ang narekober sa bahay ni Tantang Salipada, walong metro lamang ang layo mula sa likod ng tinitirhan ni Joven Salipada kungsaan narekober sa harap ng bahay nito ang isang Rifle Grenade.

Matagumpay namang na-detonate ng EOD Team at ng mga elemento ng Cotabato Police Provincial Office alas 11:30 ng umaga kahapon ang nasabing pampasabog.

Nabatid na ang nasabing mga eksplusibo ay mga pamapasabog na ginamait noong kasagsagan ng sagupaan ng dalawang armadong grupo na di sumabog.

Ang nasabing aksiyon ng Matalam PNP, CPPO at ng EOD Team ay bahagi lamang ng sinumpaang tungkulin ng mga nasa hanay ng pulisya na ang gobyerno ay para sa publiko “to serve and protect”. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento