Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Poverty incidence ng North cotabato, ginawang challenge ng kasalukuyang administrasyon


(Makilala, North Cotabato/ May 7, 2013) ---Tinukoy ngayon ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ang mga nagdaang giyera ang isa sa mga dahilan kung bakit napabilang ang probisiya sa isa sa pinakamahirap na lalawigan.

Ito ang ginawang pahayag ng gobernadora noong linggo sa isang kumprehensiya kasabay ng pagpapasinaya ng pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Aniya, dahil sa kaguluhan dala ng nakaraang giyera taong 2008 dahil sa MOA-AD ay marami sa mga residente ang nagsilikas o naging displaced.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit inabandona ng ilang mga apektadong pamilya ang kanilang tirahan at ibinenta ang kanilang mga alagang hayop para lang maka-iwas sa nasabing kaguluhan, ayon pa sa punong ehekutibo.

Aminado rin ang opisyal, na sa kanyang termino ay nasa ‘rebuilding of community’ pa lamang ang mga naging biktima ng nakaraang kaguluhan.

Sa kabila nito, hindi nito isinisi sa nakaraang administrasyon bagkus ginawa nitong hamon sa kanyang liderato ang nasabing report ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na napabilang ang probinsiya sa ranked 11 na pinakamhirap na lalawigan ng bansa.

Kaugnay nito, pinalalakas naman niya ang programang may kaugnayan sa pag-papaangat sa pamumuhay ng probinsiya. Isa na dito ang tulong na ipinamahagi ng World Food, Early Recovery Program ng Mindanao Development Authority at iba pa.

Sa kanyang mensahe, igiinit din nito na marami sa mga namumuhunan ang ngayon ay naglalagak na ng negosyo sa probinsiya dahil kumpiyansa sila sa kanyang liderato.

Kaibilang na dito ang Gaisano Mall, Pinyahan sa Banisilan, Del Monte sa Tulunan, Oil Palm Processing sa Carmen at ang mga turismong ipinagmamalaki ng probinsiya.

Isa na dito ang pagpapasiya ng bagong bukas na Zipline sa Brgy. New Israel sa bayan ng Makilala.

Ang Zipline sa Brgy. New Israel ay itinuturing na pinakamahabang Zipline sa South East Asia na pinonduhan ng abot sa P5.8M sa tulong ng Energy Development Corporation, Department Of Energy , Department Of Tourism at ng Provincial Government ng North Cotabato. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento