(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2013) ---Isandaang
porsientong handa na ang Commission on Election o Comelec Kabacan pitong araw
bago ang gaganaping halalan sa Mayo a-13.
Ito ang tiniyak ngayon sa DXVL Radyo ng
Bayan ni Election Officer Josephine Macapas kungsaan isinagawa ngayong araw ang
testing at sealing ng Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine.
Aniya, wala naman umanong naireport na
aberya sa isinagawang testing ng mga PCOS Machines kanina.
Abot sa 58 mga makina ang isinailalim sa
trial para matiyak na gumagana ang mga PCOS pagdating ng eleksiyon.
Sinabi ni Macapas na ngayon ay nakalagak
naman sa treasurer’s Office ang mga balota at ilan pang election paraphernalia’s
na gagamitin sa botohan kungsaan 24-oras itong binabantayan ng pulisya at militar.
Ayon sa opisyal may 278 na polling precincts
ang Kabacan habang 40,559 naman ang kabuuang botante nito sa 24 na mga brgy.
Gagawin ang eleksiyon sa 31 voting center,
ayon kay Macapas. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento