(Matalam,
North Cotabato/ May 8, 2013) ---Patay ang isang sundalao habang sugatan naman
ang dalawang mga sibilyan sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Matalam alas 7:00
kagabi.
Kinilala ng
mga otoridad ang biktima na si 57th Infantry Battalion Staff
Sergeant Jomar Desabilla, 42 na nakabase sa Camp Panacan ng Eastern Mindanao
Command sa Davao City.
Sugatan din
sa nasabing pamamaril ang mga biktima sina Rudy Cacayurin at Wilson Pagayon kapwa
residente ng Barangay Sarayan, Matalam.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nag-iinuman
umano ang mga biktima sa Debilla’s residenece kagabi ng pagbabaril ang mga ito
ng mga di pa matukoy na suspek gamit ang di pa maukoy na uri ng baril
Nagdiriwang umano si Desibella ng kanyang
kaarawan ng maganap ang insedente.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Matalam
PNP, para alamin ang totoong motibo sa pamamaril. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento