(Kabacan, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Iginiit
ni Vice Mayoralty Candidate Myra Dulay Bade na may legal na basehan ang
pagtakbo nito bilang kahalili sa namayapang ama nitong si dating Vice Mayor
Policronio Dulay.
Sa isang kalatas na ipinalabas ng Commission
on Elections o Comelec Law Department sa Manila aprubado ang pagpapalit ni Myra
Dulay dala ang apelyido ng ama nito, batay sa section 15 of Resolution No. 9518
promulgated on September 11, 2012 ng comelec.
Ang nasabing dokumento ay aprubado ni Law
Department Director Esmeralda Amora-Ladra na may petsang February 11, 2013.
Ang panawagan ay inilabas ng anak na
kumakandidato bilang bise Alkalde sa bayan ng Kabacan makaraang may mga balita
umano na walang legal na basehan ang pagtakbo nito.
Sa sulat ng Comelec Law Department ang
substitution sa kaparehong posisyon ay “given due course”, ibigsabihin legal na
kahalili ni Myra Dulay ang namayapang ama nitong si Pol Dulay.
Pero ang naka-imprinta sa balota ay ang
panaglan ni Policronio Dulay, ibigsabihin ang boto sa pangalan ni Pol Dulay ay
mabibilang sa kanyang naging kahalili.
Matatandaan na nagsumite ng kanyang
Certificate of Candidacy sa ilalim ng Liberal Party si Myra Dulay Bade noong
February 7, 2013 dalawampu’t walong araw matapos na pinaslang noong January 11
si Vice Mayor Pol Dulay sa USM Avenue. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento