Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sugatan sa nangyaring ambush sa M’lang, North Cotabato


(Mlang, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Sugatan ang isang supporter ng kandidato sa pagka gobernador makaraang ambushin ang mga ito sa bayan ng M’lang, North Cotabato alas 3:00 ng hapon kamakalawa.

Ayon sa report habang binabaybay ng dalawang Pick-up at isang multicab ng serbisyong totoo team ang National Highway para sana sa gagawing People’s Caucus ay bigla na lamang hinarang ang mga ito ng isang puting Van na may plate number MBG 533 ang tinatahak na highway, partikular sa brgy. Buayan.

Lumabas ang limang mga armadong kalalakihan mula sa Van habang lumabas din ang isang lalaking kinilalang si Philippi Bedia mula nasabing convoy.

Niratrat ng mga armadong kalalakihan si Bedia kungsaan tinaman ito sa ulo.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mag responsable.

Sa impormasyon, tatlong mga supporter umano ng katunggaling pulitiko sa gubernatorial race ng North Cotabato ang sakay sa nasabing Van na kinilalang sina ‘alyas payat” alyas dante at alyas “bobong”, ayon sa report ng Mlang PNP.

Sa ngayon dinala na sa isang ospital sa Davao City ang sugatan biktima habang nagpapatuloy ang ginawang imbestigasyon ng Mlang PNP sa nasabing insedente. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento