(Matalam, North Cotabato/ May 6, 2013) ---Patay
ang isa katao na pinaniniwalaang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF
sa nagpapatuloy na palitan ng putok sa Moro National Liberation Front o MNLF sa
Brgy. Marbel sa bayan ng Matalam alas 6:00 kaninang umaga.
Kinilala ni 108th Base Command ng
MILF Bangsamoro Islamic Forces kumander Masur Imbong ang namatay sa engkwentro
na si Mikaratu Naga, 36 na taong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Si Naga ay binawian ng buhay ng magkaroon ng
palitan ng bala ang grupo ni Kumander Datu Dima ambil ng Sebangan State Revolutionary Committee of the Moro National
Liberation Front (SKSRC-MNLF).
Isang
bahay sa Barangay Marbel ang nasira makaraang tinamaan ng M79 grenade launcher na
pinakawalan ng grupo ni Ambil, ayon sa report.
Nagsimula
ang bakbakan ng dalawang grupo alas 6:30 kagabi na dahilan ng pagkakalikas ng
200 pamilya mula sa anim na mga puroks at sitio ng bgry. Marbel.
Ayon
sa report ng Matalam PNP, ang mga bakwit ay pansamantalang nanunuluyan ngayon
sa brgy. hall ng Kibudok at Salvacion sa nabanggit na bayan.
Nagsimula
umano ang nasabing labanan makaraang ang isang 16-anyos na lalaki buhat sa
brgy. Marbel na may dalang baril ang pumunta sa isang tindahan.
Isang
Toto Manial, pinaniniwalaang grupo ni Ambil ang sumita sa nasabing lalaki na may
salukbit na baril at pwersahang kinuha ang nasabing caliber pistol.
Ang
nasabing baril ay pag-mamay-ari ng kanyang tiyuhin na bagay naming ikinagalit
nito at nagging mitsa ng sagupaan sa magkabilang grupo.
Itinanggi
naman ng grupo ni Ambil ang pahayag ng kabilang kamopo, ayon sa report.
Sinabi
ni Ambil na may una na silang pag-uusap sa MILF na papayagan nilang magsagawa
ng information drive hinggil sa Framework Agreement on the Bangsamoro basta’t
hindi magdadala ang mga ito ng baril sa loob ng teritoryo ng MNLF.
Inaangkin
kasi ng MNLF ang brgy. Marbel na sakop ng kanilang teritiryo.
Abot
naman sa 50 mga pamilya ang ngayon ay lumikas sa mas ligtas na lugar sa kalapit
na brgy. habang nagpapatuloy ang palitan
ng putok sa dalawang naglalabang grupo na nagsimula pa alas 6:20 kagabi.
Inihayag
ni Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na may mga
ideneploy na silang karagdagang pwersa ng pulisya para tiyakin ang seguridad sa
mga evacuees sa lugar.
Naglagay
na rin ng mga barikada ang sundalo at pulis para mapigilan ang pagpasok ng
motorist sa pinangyarihan ng engkwentro.
Sa
ngayon namagitan na ang Local Monitoring team na pinamumunuan ni Jabib Guaibar
at Datu Edris ang deputy governor for Muslims ng North Cotabato para maresolba
ang nasabing kaguluhan.
Ayon
sa report 8:30 kaninang umaganakarinig ng malakas na pagsabog ang mga kalapit
na residente sa lugar na mula umano sa brgy. Marbel.
Sa
ngayon wala pang abiso ang pamunuan ng PNP at militar kung pababalikan na ang
mga bakwit sa nasabing lugar. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento