Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkapatid sugatan makaraang aksidenteng pumutok ang nilalaruang baril ng sekyu sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Dalawang empleyado ng Villa Oro Resort ang sugatan makaraang tinamaan ng ligaw na bala ng aksidenteng pumutok ang nilalaruang baril  ng security guard alas 6:40 kagabi.

Kinilala ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Ian Sulotan, 15, binatilyo nagtamo ng tama ng bala sa itaas na bahagi ng dibdib nito at tumagos sa kanyang kuya na kinilalang si kay Joni Sulotan, 18 tinamaan din sa kanang kili-kili nito.

Ang dalawa ay kapwa resident eng bayan ng Makilala, ayon sa report.

Kinilala naman ang suspek na si Mateo Villadar, 22 taong gulang, walang asawa, residente ng Luna St., Cotabato City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na habang on duty ang suspek at nakikipagtalastasan sa dalawang mga biktima na nasa harapan niya ay nilalaruan nito ang kanyang hawak na baril.

Aksidenteng pumutok ay ikinasugat ng dalawang mga biktima.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa cotabato Provincial Hospital, sa Amas, Kidapawan City para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Habang ang nasabing security guard ay inilagay sa Matalam Lock-up cell habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at para sa tamang disposasyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento