(Arakan, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Nakatakdang
palalayain na ngayong araw ang dinukot na Police Officer 3 na si Police Officer
3 Maula Tato Ali ng Arakan municipal police station.
Ito ang kinumpirma ng New People’s Army na
may operasyon sa Southern Mindanao.
Ang release order ay inisyu ni National
Democratic Front (NDF) Southern Mindanao Regional Operations Command head Rubi
del Mundo noong Lunes
Kaugnay
nito, humuhingi naman ngayon ng suspension of the military operations (SOMO)
ang NPA sa mga militar para sa gagawing pagpapalaya mamaya sa Prisoners of War
sa mga bayan ng Arakan, Antipas at Magpet sa North Cotabato at sa ilang bahagi
ng Davao del Sur province. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento