Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tower ng NGCP sa Kabacan, pinasabugan kagabi!


(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2013) ---Niyanig ng malakas na pagsabog ang ilang mga residente ng Kabacan alas 10:00 kagabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP naganap ang insedente sa Sitio Liton, Brgy. Kayaga ng bayang ito.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Supt. Leo Ajero ngayong umaga, sinabi nitong target umano ng di pa nakilalang mga salarin ang tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa lugar.

Inaalam nila ngayon kung may natatanggap na extortion ang nasabing kompanya.

Agad namang tinungo ngayong umaga ng mga elemento ng Kabacan PNP, Philippine Army sa pamumuno ni 7IB Lt. Larry Valdez, Cotabato Police Provincial Office EOD team ang lugar.

Narekober ng mga otoridad ang 1 Nokia Cellphone, apat na piraso ng 9volt battery at ilan ang mga circuits at wires na gainamit sa paggawa ng Improvised Explosive Device o IED.

Walang namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing pagsabog kagabi habang inaalam pa ang motibo sa nasabing pambobomba.

Posibleng Pipe bomb umano na uri ng IED ang ginamit sa nasabing pagpapasabog, batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga imbestigador kagabi. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento