(Kabacan,
North Cotabato/ May 10, 2013) ---Nagsasagawa ngayon ng Voters Education ang Moro
People’s CORE sa mga sektor na nasasakupan ng kanilang serbisyo sa Kabacan na
nagsimula kahapon at magtatapos bukas a-9 ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Moro
People’s CORE Executive Director Zaynab Ampatuan kabilang sa mga tinalakay sa
nasabing kampayan nila ay ang tamang batayan sa pagpili ng mga lider na ilagay
sa pwesto.
Bukod dito,
ipinaliwanag din sa mga kalahok ang malaking papel na ginagampanan nila sa
darating na halalan.
Isinagawa ang
voters education sa mga kasapi ng People’s Organization, mga LitNum learners at
Kuntaw students sa ilang purok sa mga barangay ng Kabacan tulad ng Poblacion, Pisan,
Cuyapon, Pedtad, Aringay at Kayaga.
Sinabi ni Ampatuan na ang inisyatibang ito ng Moro People’s CORE ay
kaugnay sa programang organisasyon na Capability Build-up sa mga tao sa komunidad
na sakop nito.
Ipinabatid din sa kanila kung paanu ang proseso sa automated election
gamit ang Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine.
Bagama’t ang ilang mga kalahok ng Kuntaw ay di pa maaring makapagboto
binigyan naman sila ng tamang edukasyon hinggil sa tamang lider na ilagay sa
pwesto na makapagbago sa bulok na sistema ng gobyerno.
Iginiit naman ng opisyal na ang organisasyon ay non-partisan kung
kaya’t ang grupo ay walang kinikilingan at walang iniindorsong pulitiko o
partylist.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng voters education, naniniwalaang Moro
People’s CORE namagiging kapaki-pakinabang ang bawat boto ng ibibigay ng matalinong
botante.
Hangad ng Moro People’s CORE na sa pamamagitan ng pagbibigay ng
Capability build-up trainings sa mga local leaders at pangkaraniwang mamamayan, magkakaroon sila ng kakayanang makilala ang kanilang
mga sarili at mapamunuan ng tama ang kanilang komunidad sa mga darating na panahon.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento